Skip content
< ClassDojo ToolkitDirections iconDirectionsMusic iconMusicGenerator iconGroup MakerMonitor iconNoise MeterShare iconThink Pair ShareSelector iconRandomTimer iconTimerMeeting iconToday
Timer icon

Timer

Isang online timer na ipinapaalam sa mga mag-aaral kung gaano karaming oras pa ang natitira nila. Maging ito man ay para sa paglilipat, mga sentro o iba pang bagay, ang timer ng silid-aralan ay pinapanatiling gumagalaw ang mga bagay-bagay.

Mga Screenshot

Paglalarawan

Noong isang araw kami ay nag-ihaw ng carrots. Mayroon kaming olive na mantika, asin, at paminta, pero sa huling minuto ay aming napagtanto na naubusan kami ng thyme! Itabi ang masamang biro, Ang Toolkit Timer ay pananatilihin ang iyong klase sa landas at mulat sa natitirang oras ng aktibidad. Piliin lamang ang pagtaas ng oras at ang countdown ay ipapakita sa harap ng iyong mga mag-aaral. Gamitin ang timer ( at bumili ng herb na halaman) at hindi ka na ulit mauubusan ng "thyme".

Mga Tip ng Guro

"Gumamit kami ng timer sa halos lahat sa klase. Nakakatulong talaga ito sa mga mag-aaral (at sa akin!) na manatiling nakatuon at pinapanatili ang mabibilis na transisyon."

Mga Feature

Maaari mong ma-access ang timer sa pangunahing pahina ng ClassDojo, kasunod ng icon ng orasan. Mula doon, mayroon kang dalawang opsyon: pagbilang pataas o pagbilang pababa. Maaari mong makamit ang una sa pamamagitan ng pag-click ng "Simulan" na mag-uudyok sa Timer na magsimulang magbilang ng mga segundo, at ikaw ay magsisimula na! Ang iba pang mga opsyon ay i-click ang "Countdown", at pagkatapos ay piliin ang haba ng oras na gusto mong ilaan. Ang parehong mga opsyon ay nagpapahintulot sa iyo na mag-pause o i-reset ang Timer kung kinakailangan.

Maaaring simple ang Timer ng Toolkit , ngunit hindi ibig sabihin na walang kaunting mga kampana at sipol! Halimbawa, kapag ang countdown ay kumpleto na, maaari mong i-programa ang timer para patayin ang alarm na magpapabatid sa iyong mga mag-aaral na oras na para ibalik ang atensyon nila sa gitna ng klase. Ang maganda sa Timer ng Toolkit ay ang mga feature nito ay maaaring magbigay ng malawak na mga benepisyo na higit sa pagsubaybay lamang sa oras!

Mga Benepisyo

Isa sa mahalaga at agarang mga benepisyo ng Timer na maaaring ibigay ng Timer ay ang pokus: kapag ang mga mag-aaral ay binibigyan lamang ng tiyak na haba ng oras para kumpletuhin ang isang gawain, ang isang simpleng hadlang sa oras ay maaaring mabawasan ang pagpapaliban at paggambala. Ito ay totoo, salamat sa aspeto ng biswalisasyon ng Timer - malalaki at madidiin ang mga numero, kaya kung ang mga ito ay naka-project sa isang screen o ibinahagi sa mga mobile na device, ginagawa nilang madali para sa mga mag-aaral na mapanatili sa sulok ng kanilang mga mata at sumangguni kung kinakailangan.

Kung ang pangangailangan ay ang ina ng imbensyon, samakatuwid ang mga hadlang sa oras ay maaaring ang ina ng pagkamalikhain. Kapag napagtanto ng mga mag-aaral na hindi nila magagawang makumpleto sa oras ang isang ibinigay na gawain, makapag-uudyok ito sa kanila para mag-isip ng mga bagong pamamaraan sa paglutas ng mga problema nang sa gayon ay kanilang matugunan ang kinakailangang oras, o maaaring makapaghikayat ito sa kanila na sanayin ang paghingi ng tulong mula sa ibang tao.

Tulad ng naipahiwatig na sa itaas, ang isa pang mahalagang benepisyo ng paggamit ng Timer ay maaaring nitong pagyamanin ang kolaborasyon at koordinasyon sa hanay ng mga mag-aaral. Imadyinin na hinihiling sa mga mag-aaral na bumuo ng mga grupo at itayo ang pinakamataas na istraktura na makakaya nila gamit ang mga ibinigay na materyales sa loob lamang ng labinlimang minuto; mabilis na mapagtatanto ng mga mag-aaral na ang pinakamahusay na paraan para makamit ang kanilang goal ay ang magtalaga ng mga gawain upang mas marami silang makamit nang magkakasama kaysa kung sila ay isa-isa. Maaaring ang isang mag-aaral ay siyang namamahala sa pagguhit ng disenyo ng istraktura, habang ang isa ay responsable sa paghahanap ng wastong materyales, habang ang iba naman ay nagtatrabaho para maipagsama-sama ang ambag ng bawat isa. Nagtatag ito ng tiwala, husay sa komunikasyon, at pakiramdam ng napagsasaluhang hangarin - ang lahat ng ito ay dahil sa ang Timer ay nagka-count down sa background!

Bilang pangwakas, ang regular na pagkakabilang ng Timer sa loob ng silid-aralan ay naglilinang ng kasanayan sa pamamahala ng oras, pagbibigay-prayoridad, at paglalagay ng halaga sa paggawa ng mga bagay-bagay, kaysa sa "pagperpekto" ng mga bagay-bagay. Ito ay mga mahahalagang kakayahan na magdudulot ng maganda sa mga mag-aaral na magagamit nila sa labas ng silid-aralan.

Pinakamahuhusay na Gawi

Paminsan-minsan ang pinakamahirap gawin kapag nagtuturo sa isang klase ay ang magsimula. Kung nahihirapan kang magdala ng pokus sa mismong simula ng klase, isa sa mga pinaka-makapangyarihang paraan para magsimula nang tama ay ang paganahin ang isang countdown sa timer ng silid-aralan sa sandaling nakapasok na ang mga mag-aaral. Nagbibigay senyales ito sa mga mag-aaral na gaano man ang kanilang kagustuhan na maglaro-laro pa, sila ay inaasahan na maghanda na para mag-aral kapag ang orasan ay pumalo na sa 0:00.

Ang parehong diskarte ay maaaring magamit sa mabuting epekto kapag ang paglilipat sa pagitan ng aktibidad ay malinaw na nakikita. Ito ay nagtatatag ng isang ritmo, at nagbibigay sa mga mag-aaral ng higit na pagpapahalaga para sa mga hangganan sa pagitan ng oras at panandaliang pahinga.

Gayunpaman, ang pag-set up ng timer sa silid-aralan ay hindi lamang tungkol sa pagtatatag ng kaayusan at pagpasok sa trabaho - maaari rin itong maging kapaki-pakinabang na paaran upang magdagdag ng elemento ng mapagkumpitensiyang saya o bilang karagdagang tool na gagamitin sa aming Tagagawa ng Grupo (Group Maker) ng ClassDojo, isang random na tagabuo ng grupo para gawin napakadali hangga't maaari ang pagpapares ng mga mag-aaral. Nalaman ng maraming guro na ang Timer ay makakatulong sa pagganyak sa mga mag-aaral kapag ito ay nakikita bilang bahagi ng isang laro na nakatali sa mga gantimpala para sa pagkumpleto ng trabaho o pagiging handa sa katapusan ng isang transisyon ng countdown. Halimbawa, ang mga mag-aaral ay maaaring makakuha ng points sa pagiging maaga, pagiging handa at pagbibigay atensyon, at pagtupad sa mga gawain sa tamang oras.

Maraming iba pang mga paraan upang isama ang isang timer app sa silid-aralan para sa isang hanay ng mga aktibidad sa silid-aralan na maaaring mag-unlock ng mga benepisyong nakalista sa itaas (at marami pa)! Ngunit tulad ng karamihan sa mga bagay, ang pag-alam kung paano gumagana ang Timer ay may pinakamagandang pakinabang sa iyo, pero aabutin din ito ng oras.

Ibahagi

Ibahagi sa Twitter
Ibahagi sa Facebook

Ang ClassDojo Toolkit ay libre at bahagi ng ClassDojo app. Simpleng i-download ang app para makapagsimula!

Apple Store banner
Android Store banner
Amazon Store banner