
Isipin Ipares Ibahagi (Think Pair Share)
Ngayon ay maaari mo nang mapadali ang "Isipin Ipares Ibahagi" sa isang tap lang. Magpost ng isang prompt sa Isipin Ipares Ibahagi na app, pagkatapos ay paharapin at ibahagi sa isang partner ang mga mag-aaral. Panoorin habang nagaganap ang talakayan 😀
Mga Screenshot
Paglalarawan
May mga bagay na mas maganda kapag pares: medyas, earphones, cookies, at Think Pair Share. Ngayon, sa isang tap lang sa Think Pair Share tool, maaari ka nang magpakita ng tanong. Maaaring magtulungan ang magkapares na estudyante para lutasin ang mas mahihirap na problema, magkaroon ng 1-1 na talakayan, at paunlarin ang kanilang teamwork. Supairb.
Mga Tip para sa Guro
"Gustong-gusto kong agad na masimulan ang Think Pair Share para makausap ng mga estudyante ang kanilang kapareha habang naghahanda ako para sa susunod naming aktibidad sa klase."
Mga Tampok
Ang Think Pair Share ay isa sa mga nakapagpapalakas na estratehiya sa talakayan sa klase na nagbibigay sa iyong mga estudyante ng pagkakataong magkaroon ng 1-1 na pag-uusap, magtulungan sa paglutas ng mas mahihirap na problema, at hasain ang kanilang kakayahang makipagtulungan. Sa Think Pair Share app, maaari kang magpakita ng tanong o prompt sa iyong mga estudyante sa isang tap lang. Pagkatapos, may pagkakataon silang magpares at magbahaginan, habang naghahanda ka para sa susunod na aralin. Isa ito sa mga tool sa talakayan sa klase na nagbibigay sa iyo ng ilang minutong pahinga mula sa pagtuturo at ng mahahalagang insight para sa susunod na lesson—habang pinasisigla ang malusog na komunikasyon sa pagitan ng mga estudyante. Sa wakas, isang masaya at simpleng student discussion app. Pagdating sa pagdaragdag ng interactive na mga tool sa pagtuturo, halos hindi na kailangang pag-isipan na isama ang Think Pair Share app sa iyong kit.
Kapag binuksan mo ang ClassDojo para tingnan ang iyong mga tool bilang guro, makikita ang Think Pair Share sa pangunahing listahan sa tabi ng asul na icon ng mga speech bubble. Mula roon, makikita mo ang opsyon na magdagdag ng tanong o paksa sa isang queue. Kapag handa ka na, maaari mong i-cast ang tanong o paksa ng talakayan sa isang computer screen o projected display para makita ng klase. Lalabas ang iyong prompt sa screen sa isang malinis at malinaw na graphic—nasa gitna ito ng dalawang speech bubble sa asul na background. Magagamit ng mga estudyante ang prompt hangga't ito ay naka-share sa screen. Kapag handa ka nang tapusin ang talakayan ng mga estudyante, maaari mo nang alisin ang tanong mula sa app, bilang senyales sa kanila na oras na para ibalik ang kanilang atensyon sa gitna ng klase.
Ang isa sa mga nagpapatingkad sa app na ito kumpara sa ibang Think Pair Share tools ay maaari kang mag-brainstorm at mag-type ng ilang prompt nang sabay-sabay, at panatilihin ang mga iyon na pribadong naka-save sa iyong dashboard para magamit sa ibang pagkakataon o sa sunod-sunod na talakayan. Mahilig ka mang maghanda ng listahan ng mga prompt o mas gusto mong gumawa ng prompt on the fly, dinisenyo ang class discussion app na ito para makatipid ka ng oras anuman ang paraan mo ng paggamit ng mga estratehiya sa talakayan sa klase.
Mga Benepisyo
Sa Think Pair Share, may student discussion tool ka na nagpapanatiling aktibo ang iyong silid-aralan habang kumukuha ka ng ilang minuto para maghanda sa susunod na gawain. Higit pa rito, kapag nagpadala ka ng prompt sa screen, inaanyayahan mo ang bawat miyembro ng klase na mag-isip para sa sarili, ibahagi ang kanilang konklusyon sa mga kaklase, at magsimula ng mga talakayan na tumutulong sa kanilang mas maunawaan kung bakit mahalaga ang pananaw at feedback ng iba sa paghubog ng sarili nilang mga ideya.
Kung nais mong makita ang paglago ng interpersonal skills ng iyong mga estudyante, maaari mo silang pagpartner-partnerin para talakayin ang isang prompt nang one-to-one. Kung mas gusto mong pagtuunan nila ang team building at group communication skills, maaari mong hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo para mag-usap. Nako-customize ang paraan ng “pairing” ayon sa kung paano mo gustong gamitin ang iyong mga class discussion tools. Hindi rin kailangang laging tungkol sa paksa o pananaw ang iyong prompt. Halimbawa, kung nagtuturo ka ng math o science at gusto mong makita kung gaano kahusay magtulungan ang mga estudyante sa paglutas ng isang kumplikadong equation, maaari mo lang i-type ang problema sa app at i-project ito sa screen ng klase.
Sa pagtuklas kung saan nahihirapan ang iyong mga estudyante, makakakuha ka ng mahahalagang insight kung paano ipagpapatuloy ang aralin o tutugunan ang kanilang pagkalito tungkol sa mga partikular na paraan ng paglutas ng problema.
Pagdating sa teacher tools, binibigyan ka ng Think Pair Share ng pambihirang pagkakataong huminto sandali at hayaang maproseso ng mga estudyante ang impormasyon, habang nakagagawa ka ng mga tala at naaayos ang iyong kurikulum ayon dito. Makakatulong din ang Think Pair Share tools sa mga estudyante na mas malinaw na maipahayag ang kanilang pagkalito tungkol sa kasalukuyang aralin. Sa pamamagitan ng follow-up na Q&A, makakakuha ka ng mahahalagang insight tungkol sa kalagayan ng iyong mga estudyante at kung saan mo pa kailangang punan ang mga kakulangan.
Pinakamabubuting praktis
Minsan mahirap malaman kung talagang “gets” ng mga estudyante ang aralin kapag nasa gitna ka ng mahabang lecture. Tutulungan ka ng Think Pair Share na panatilihin silang aktibo habang pinoproseso ang bagong nilalaman. Kung napapansin mong nagiging balisa, distracted, o nababagot ang mga estudyante, mabilis mong puwedeng buksan ang student discussion tool na ito para magtanong ng reflective question tungkol sa kasalukuyang aralin o materyal na itinuturo mo. Ibinabalik nito ang kanilang pokus at pinapaandar ang kanilang pag-iisip, para aktibo silang nakikilahok sa aralin sa halip na pumasok lang ito sa isang tainga at lumabas sa kabila.
Isa pang makapangyarihang gamit ng mga class discussion tool tulad ng Think Pair Share ay ang pagbuo ng pakiramdam ng komunidad sa pagitan ng mga estudyante. Sa pamamagitan ng mga tanong na hindi direktang kaugnay sa kurikulum ngunit makatutulong sa mga estudyante na mas makilala ang isa’t isa, inaanyayahan mo silang makinig at bumuo ng tiwala sa isa’t isa. Kapag nagta-type ka ng prompt gaya ng “Ano ang ipinagpapasalamat mo ngayon?” o “Ano ang paborito mong alaala nitong nakaraang weekend?” o “Saan ang lugar na pinapangarap mong mapuntahan balang araw?”, iniimbitahan mo ang mga estudyante na kumonekta at makiramay sa antas na pantao, kaya mas nagiging handa silang makipagtulungan sa mas kumplikadong mga problema o teorya sa hinaharap. Ngayon, sabihin mo nga sa akin kung ano pang ibang student discussion app ang kayang magpadaloy ng ganitong uri ng interaksyon!
Kung nais mong sulitin ang iyong mga teaching tool, hindi lang nakakatulong ang Think Pair Share sa paghati-hati ng mahahabang lesson plan at pagpapasigla ng talakayan, kundi pati sa pagbuo ng tunay na pakiramdam ng komunidad sa iyong silid-aralan.









