Skip content

Spring ISD School District

logo
"Gumagana nang napakahusay ang ClassDojo dahil sobra itong nakakaengganyo. Hindi lang ito tool ng komunikasyon. Ang platform ay may elemento ng saya dito, at iyan ay isa pang dahilan kaya madaling natatangkilik ng mga tao."
person

Shane Strubhart

Hepe ng Komunikasyon

Spring Independent School Districts (ISD), matatagpuan 20 milya hilaga ng Houston, ay isang distrito na may samu't saring tao na naglilingkod sa higit 34,000 na mag-aaral sa buong 43 campus. Sa pagkakaroon ng malaking proporsyon ng mga mag-aaral na mula sa mahihirap na pamilya at mobility rate na higit 20%, nahaharap ang Spring ISD sa mga natatanging hamon sa pagmementena ng malakas na komunikasyon sa pagitan ng mga pamilya, guro at lider ng paaralan. Humantong ito para simulan nila ang paggamit ng pambuong-paaralan na ClassDojo noong 2023, bilang bahagi ng isang mas malawak na inisyatiba para pabutihin ang komunikasyon at suportahan ang tagumpay ng mag-aaral.

Mula sa one-way na komunikasyon hanggang sa tunay na pakikipag-ugnayan

Bago mag-switch sa ClassDojo, umasa ang Spring ISD sa Blackboard, isang one-way na tool sa komunikasyon na nilimitahan ang kakayahan para sa mga magulang na umugnay sa makahulugan, two-way na pag-uusap sa mga guro. Gumagamit rin ang mga guro ng sari-saring iba pang mga hindi nasuring tool sa komunikasyon, na humahantong sa mga pagkabahala patungkol sa seguridad ng data at consistency. Gusto ng distrito ang isang pinagtibay, ligtas na platform na maaaring makapagbigay ng parehong mga feature sa komunikasyon at pag-manage ng silid-aralan, habang humahanay rin sa mga pangangailangan ng isang mataas na populasyon ng nagpapalipat-lipat na mag-aaral. Ang IT department ng Spring ISD ay mayroon ding mga pagkabahala tungkol sa seguridad at gastos ng mga alternatibong platform, dahil maraming solusyon ang mahal—mula $40,000 hanggang $120,000—at hindi sapat na natutugunan ang mga pangangailangan ng distrito.

Pagkatapos komunsulta sa mga guro at tumanggap ng feedback mula sa komunidad, naging malinaw sa Spring ISD na ang ClassDojo ay ang pinakamalawak na ginagamit na tool sa hanay ng mga edukador. Ginawa nitong madali ang two-way na komunikasyon sa pagitan ng mga guro at pamilya, nagbigay ng real-time feedback, at tumulong magtatag ng tiwala at pagyamanin ang isang mas higit na kolaborasyon sa pagitan ng bahay at paaralan. Nag-aalok din ito ng isang ganap na ligtas na platform gamit ang single sign-on functionality, at ganap na walang singil—isang malaking benepisyo para sa Spring ISD, dahil ang Texas ay may isa sa mga pinakamababang lebel ng pagpopondo ng paaralan sa bansa.

Isang platform, walang hanggang posibilidad

Ang pangunahing goal ng Spring ISD ay ang paghusayin ang pakikipag-ugnayan ng magulang, na ipinapakita ng research na isang napakahalagang tagapaghiwatig ng tagumpay ng mag-aaral. Sa pagsasama-sama ng komunikasyon sa isang platform, ginawang mas madali ng ClassDojo para sa mga pamilya na manatiling kabilang at konektado sa edukasyon ng kanilang anak. Maaaring magpadala ng mga direktang update ang mga guro tungkol sa progreso ng mag-aaral, feedback sa pag-uugali, at mga paparating na event. Dagdag pa dyan, ang kakayahan na lumikha ng mga event na pambuong-campus at ang mga ipinapadalang paalala ay nagresulta sa mas higit na pagdalo ng magulang at pagkakabilang.

Mas masasayang silid-aralan

Napagtanto ng Spring ISD na ang natatanging hanay ng mga feature ng ClassDojo ay hindi lamang nagpabuti sa komunikasyon, ngunit tumulong din sa pag-manage ng silid-aralan. Nagawang gamitin ng mga guro ang platform para maggawad ng points para sa positibong pag-uugali at i-track ang progreso ng mag-aaaral, na nagpapatunay na mas nakakaengganyo kaysa sa mga tradisyonal na paraan at mapagyaman ang isang mas positibong kapaligiran.

Isang ligtas, pribadong platform

Dahil sa pinataas na pokus sa privacy ng data, ang pagtitiyak sa seguridad ng impormasyon ng mag-aaral at pamilya ay naging nagungunang prayoridad para sa Spring ISD. Ang matitibay na protocol sa seguridad ng ClassDojo ay nagbigay ng kumpiyansa sa distrito na pinoprotektahan nito ang sensitibong data habang nagbibigay rin sa mga guro at magulang ng isang ligtas, madaling gamitin na platform para sa komunikasyon.

Isang cost-effective solusyon

Dahil sa maraming distrito ang humaharap sa kakulangan ng budget, ang malayang katangian ng ClassDojo ay isang malaking kalamangan. Habang ang ibang mga platform ay nangangailangan ng mahal na subscription, nagbigay ang ClassDojo sa Spring ISD ng isang napakalakas na tool sa komunikasyon nang walang gastos. Lalong naging napakahalaga ito dahil sa 80% ng mga distrito ng paaralan sa Texas ay gumagana nang may kakulangan sa budget.

Mabilis na adopsyon

Ang kadalian sa paggamit at mga nakaeengganyong feature ng ClassDojo ay humantong sa mabilis na adopsyon sa buong mga paaralan ng Spring ISD. Paunang tinarget ng distrito ang mga paaralan sa elementarya na nagkamit ng 100 % paggamit, at kalaunan ay lumawak rin sa mga middle school. Upang hikayatin ang adopsyon, kinilala ng distrito ang mga paaralan na nagpakahusay sa paggamit ng platform, ginagantimpalaan ang mga ito ng mga care packages, na lalo pang nagpalakas sa interes at paggamit sa buong distrito.

White-glove na serbisyo

Napagtanto rin ng Spring ISD na napakahalaga ng customer service at patuloy na support ng ClassDojo, na kinabibilangan ng mga mapagkukunan sa training at mga regular na pag-check-in. Pinahahalagahan ng distrito kung paano gumana ang ClassDojo bilang isang tunay na partner, nag-aalok ng regular na feedback at mga pananaw sa kung paano pabubutihin ang karanasan ng user.

Konklusyon

Napatunayan ng ClassDojo na labis na epektibo ito para sa Spring ISD. Malaki ang itinaas ng pakikipag-ugnayan ng pamilya, at ang kadalian sa paggamit at mga nakaeengganyong feature ng platform ay nakatulong sa mga guro na i-manage nang mas epektibo ang mga silid-aralan. Ang kakayahan na i-track ang paggamit at pakikipag-ugnayan ay nakatulong rin sa distrito na i-monitor at pahusayin ang pamamaraan nito sa paglipas ng panahon, lahat ay nasa isang ligtas at cost-effective na solusyon. Ginagampanan ng ClassDojo ang isang napakahalagang tungkulin sa pag-uudyok sa misyon ng Spring ISD na tagumpay ng mag-aaral sa pamamagitan ng matitibay na mga partnership ng bahay-paaralan.

34,000

Mga Mag-aaral

icon

Nakakatipid ng $120k kada taon

kasama ng ClassDojo

43

Mga Campus

Makita ang ClassDojo sa aksyon. Mag-book ng one-on-one na tawag ngayong araw.