"Nagawa naming palakasin ang positibong pag-uugali sa ClassDojo at mabuting komunikasyon sa mga magulang."

Brian Heidenreich
Punong-guro ng H.D. Berkey Elementary School
Noong si Brian Heidenreich ay lumagda bilang ang bagong punong-guro ng H.D. Berkey Elementary School sa Arnold, Pa., dalawang taon na ang nakakaraan, may malaking trabaho siyang haharapin. Ang paaralan para sa lubos na mahihirap (Title One), na nagsisilbi sa mga mag-aaral sa ika-una at ikalawang baitang, ay nagpataw ng 69 na araw na suspensyon sa pagitan ng Setyembre at Disyembre lamang.
Si Heidenreich ay nagtuturo sa isa pang paaralan ng New Kensington-Arnold School District nang tatlong taon, kaya't kanyang nalalaman ang mga isyu sa pag-uugali ng mag-aaral at matataas na rate ng suspensyon na pinangangasiwaan ng paaralan ng H.D. Berkey.
"Nong ako ay nanungkulan bilang punong-guro, ang aking unang pangunahing inisyatiba sa unang araw ay ang gamitin ang ClassDojo," sabi ni Heidenreich, na bilang isang instruktor ay ginagamit ang platform ng komunikasyon upang ikonekta ang mga guro, mag-aaral, at pamilya upang bumuo ng mga positibong komunidad ng silid-aralan. "Nagawa nating palakasin ang positibong pag-uugali gamit ang ClassDojo at mabuting komunikasyon sa mga magulang."
Isang Bagong Tool sa Komunikasyon
Inaasahan ni Heidenreich ang ilang paunang negatibong reaksyon mula sa mga guro sa bagong platform ng komunikasyon, ngunit sinasabi na ang karamihan sa kanila ay medyo nasasabik na magkaroon ng isang bagong paraan para makipag-usap sa mga magulang at bigyang insentibo ang mga mag-aaral para sa mabuting pag-uugali. Inaalis ng ClassDojo ang presyur sa mga guro na kung hindi man ay tatawagan o i-i-email ang mga magulang upang panatilihin silang updated sa mga progreso at hamon ng mag-aaral.
"May mahusay na paraan na ang mga guro para mapadalhan ang mga magulang ng isang mabilisang mensahe sa kalagitnaan ng araw o sa kalaunan." sabi niya. Ang mga tagapagturo ay hinihikayat na magbahagi sa mga magulang ng parehong positibo at negatibong feedback, at gamitin ang platform upang pagyamanin ang relasyon sa mga pamilya. Marami sa kanila ay ginagamit ang ClassDojo para mag-post lingguhan ng mga kuwento ng klase, kabilang ang mga larawan ng masasayang kaganapan at mga paalala tungkol sa mga nalalapit na pagsusulit, mga screenshot ng tips sa takdang-aralin, at iba pang mahalagang impormasyon.
Sa pagkakaroon nito ng mataas na porsyento ng mag-aaral na humaharap sa mga hamong socioeconomic sa kanilang mga buhay sa tahanan, nagpupursige ang H.D. Berkey na lumikha ng mga positibong karanasan sa edukasyon para sa mga kabataang ito. Nagbibigay din ito ng kasiyahan sa sitwasyon tuwing makakaya ito. Para sa kamakailan na Read Across America Week, halimbawa, ang mga mag-aaral ay nagsuot ng mga wacky na damit at nag-pose para sa mga larawan na ginamit bilang bahagi ng mga linggong kuwento sa klase.
Ang goal ay may dalawang bahagi: hayaan ang mga bata na magsaya sa pambansang event habang tumutulong palakasin ang pangangailangan para sa pagbabasa sa bahay at takdang-aralin sa mga magulang. "Kapag ang mga mag-aaral ay may nakalaang interes sa mga bagay maliban sa matuto lang," sabi ni Heidenreich, "ginagawa nitong higit na mas masaya at mas kawili-wiling lugar ang paaralan."
Bumagsak ang Mga Suspensyon ng Mag-aaral
Nagkaroon ng lubusang positibong epekto ang ClassDojo sa mga rate ng suspensyon ng H.D Berkey, na bumagsak sa dalawa na lang—mula sa dating 69—sa loob lang ng dalawang taon. Ang paaralan, sabi ni Heidenreich, ay patuloy na pinatatakbo at sinusuri ang mga attendance report nito upang masukat ang epekto ng ClassDojo sa metrics na iyon ngunit idinagdag na ang mas mababang bilang ng mga araw sa pag-uugali at suspensyon ay isang tunay na testamento sa kontribusyon ng platform.
“Sa tingin ko ay malinaw na maraming factor na ikokonsidera, ngunit sa palagay ko na ang ClassDojo ay may bahagi sa mababang bilang ng mga suspensyong iyon," sabi ni Heidenreich, na nagdagdag na mataas ang moral at may pangkalahatang positibidad sa mga paaralang elementarya sa mga araw na ito. Ang mga insentibong nakabigkis sa mga event tulad ng March Madness—at nakapokus sa pagkuha ng 40 ClassDojo points para sa mabuting pag-uugali—na nakatulong lalo na pasiglahin ang positibong enerhiya sa campus.
"Aming napili ang 40 bilang isang goal dahil sadyang madali para sa bawat mag-aaral na maabot ito, ngunit nasa lebel din ito kung saan sila dapat na magtrabaho nang medyo mas matindi," sabi ni Heidenreich. Sinusuportahan din ng ClassDojo ang mahusay na teamwork at pakikipagkaibigan sa mga mag-aaral, na tahimik na pinaaalalahanan na marahang punahin ang mga kaklase na maaaring hindi nakakatugon sa mga inaasahan—isang peer-to-peer na estilo ng suporta na tumutulong pagyamanin ang mga katangian ng pagiging lider sa mga mag-aaral.
Palaging Hinahangad ang Susunod na Pamantayan
Habang siya ay nagmumuni-muni sa paaralan na kanyang sinalihan dalawang taon na ang nakalipas at sa kanyang pinamumunuan ngayon, sabi ni Heidenreich na ang pinaka-nakapagpapabagong pagbabago ay ang pag-uugali ng mag-aaral ay tinitingnan ngayon sa isang positibong lente laban sa paggamit ng isang negatibo, mapagparusang pamamaraan.
"Ang landas na tinatahak ng paaralan ay nakasentro sa patuloy na mga negatibong kahihinatnan, kung saan ngayon tinatrabaho namin patungo sa paggamit ng ClassDojo para sa positibidad," sabi ni Heidenreich. Sa mga araw na ito, halimbawa, patuloy na nagtatrabaho ang mga mag-aaral papunta sa susunod na pamantayan, goal o reward. Kapag naaabot nila ang kanilang mga goal, nagagawa ng mga mag-aaral na bisitahin ang "reward room" upang makuha ang mga premyo na kanilang pinagpaguran.
Sabi ni Heidenreich na tinatanggal rin ng ClassDojo ang pangangailangan na iuwi ang mga papel na palaging hindi naiuuwi sa mga magulang at caregiver. At kahit na nakakarating sa bahay ang mga note, maaaring lukot-lukot na ang mga ito sa oras na makarating ito doon. "Ang isang backpack o folder ay maaaring makabalik sa paaralan nang hindi nagagalaw," paliwanag niya, "ngunit palaging nasa mga magulang ang kanilang mga cellphone, kaya't alam namin na nakukuha nila ang mga notipikasyon na aming ipinapadala gamit ang ClassDojo."
Nakakahawang Positibidad sa Buong Paaralan
Sa panig ng komunidad, ginagamit ng H.D. Berkey ang platform ng komunikasyon upang bumuo at mamahagi ng mga flyer para sa mga kabataan na nangunguna sa pag-cheer sa mga kampo, liga ng wrestling, at iba pang mga oportunidad na gusto nitong ibahagi sa mga magulang at bata. Gumagana nang mahusay ang estratehiya: sa taon ng pasukan na ito, nakita ng youth wrestling league ang pinakamalaking bilang higit kailanman sa 90 bagong mag-aaral.
"Gusto nila kaming personal na pasalamatan sa paglalabas ng kanilang flyer sa ClassDojo dahil lahat ng aming magulang ay nakita ito." sabi ni Heidenreich, na pakiramdam niya na ang lubos na superpowers ng platform ay ang mahusay na komunikasyon at isang nakakahawang positibidad na parehong umaakit sa mga mag-aaral na itanghal ang kanilang sariling mahuhusay na paghusga at pag-uugali sa paaralan.
"Sa lalong madaling panahon na ang mga mag-aaral ay marinig ang 'ding', alam nila na isa na namang mag-aaral ang nakatanggap ng reward. Titingnan nila kung paano nila nakuha ito, at pagkatapos ay magtatrabaho para tularan ang mga pag-uugaling iyon," sabi ni Heidenreich. "Ang ClassDojo ay isang tool sa positibong pag-uugali na pinatataas ang komunikasyon pareho sa loob ng mga pamilya at paaralan, at sa mga mag-aaral at guro."