"Nagbibigay ito sa amin ng window sa kung ano ang nangyayari sa lahat ng 13 paaralan. Nakikita namin ang lahat ng nangyayari sa lahat ng iba pang mga site ng paaralan, at iyon ay kahanga-hanga."

Lisa Melashenko
Trainer sa Teknolohiya
Higit pa sa Backpack Notes: Rebolusyon sa Komunikasyon sa ClassDojo ng Alisal USD
Ang mga Trainer sa Teknolohiya na sina Elena Clemente at Lisa Melashenko ay labis na umaasa na makuha ang mga magulang sa school drop-off line ng paaralan o nagpapadala ng mga paalala sa bahay sa mga mag-aaral kapag nagbabahagi ng mahahalagang komunikasyon sa paaralan patungong bahay. “Nakukuha namin ang mga magulang at nagkakaroon ng mabibilis na pakikipag-usap sa kanila anumang oras na may pagkakataon kami,” sabi ni Clemente.
Sa pagkakaalam sa kung gaano hindi ka-epektibo ang pamamaraan ng komunikasyon na ito, nagpasya ang Alisal Union School District na ipatupad ang ClassDojo, isang platform sa pamamahala ng komunikasyon at pag-uugali na ikinokonekta ang mga guro, magulang at mag-aaral. Bilang mga dating guro, parehong ginamit dati nina Clemente at Melashenko ang platform at nakita ito bilang isang mabuting paraan upang saradong mapabuti ang pakikipag-ugnayan ng pamilya at isara ang anumang mga puwang sa komunikasyon na maaaring mayroon.
"Hindi na namin kailangan pang mag-pin ng notes sa mga kamiseta ng mag-aaral. Nilutas ng ClassDojo ang marami sa aming mga problema sa komunikasyon at ang isyu ng flyers na nawawala sa mga backpack," sabi ni Clemente, na bilang isang guro ay ginamit ang platform para mag-post ng mga kuwento, ipagdiwang ang mga tagumpay ng mag-aaral at palakasin ang mga positibong pag-uugali sa pamamagitan ng pagapaparangal ng "points" sa mga mag-aaral sa buong araw ng pasukan.
"Naging bahagi ng aking araw ang ClassDojo. Sa oras na natutunan ko ang tungkol sa platform, talagang nakatulong itong padaliin ang komunikasyon sa mga magulang," sabi ni Clemente, na nag-sign up upang maging isang ClassDojo mentor at sinimulang ikalat ang salita tungkol dito sa ibang mga site ng paaralan sa distrito. "Gusto kong makakuha hangga't maaari ng maraming magulang at guro na gamitin ito. Nagbigay ito sa mga magulang ng munting 'silipan' sa aming araw."
Napakasimple at Madaling Gamitin
Bilang mga trainer ng teknolohiya, sinusuportahan nina Clemente at Melashenko ang mga pangangailangan, training at support sa technology platform ng mga guro at administrador ng distrito. Gumagawa sila ng demo sa loob ng klase at nagbabahagi ng kanilang makakaya sa mga guro, at nagpapadala rin sila ng isang lingguhang newsletter. "Aming iniuugma ang maraming magkakaibang training session sa aming maraming magkakaibang platform," sabi ni Melashenko, "at sinusuportahan ang mga punong-guro sa mga pagpupulong ng mga tauhan at sa mga araw ng propesyonal na pag-unlad."
Mula pa noong 2015, pinalawig na ng Alisal USD ang paggamit nito ng ClassDojo taon-taon. "Una kaming nagsimula sa ilang silid-aralan at ngayon ang lahat ng 13 paaralan sa aming mga distrito ay masusugid nang mga user," sabi ni Melashenko. "Ang aming implementasyon na nagsimula nang mabagal sa simpleng mensahe ng distribusyon ay lumago na sa isang pagsusumikap na pambuong-distrito upang makuha lahat sa iisang adhikain, gamit ang parehong platform at inilalagay sa pamantayan ang proseso ng komunikasyon ng paaralan patungo sa bahay." Ibinahagi rin ni Melashenko na ang platform ay tumutulong palakasin ang mga mabubuting pag-uugali at nagbabahagi ng mga pakikibaka sa mga magulang, na pinananatiling may kaalaman patungkol sa mga tagumpay at hamon ng mga bata.
"Talaga namang kahanga-hanga na makitang lumago ang ClassDojo sa kung ano ito ngayon, na may iba't ibang katangian sa panlipunang emosyonal na pag-aaral," sabi ni Melashenko. "Dati ko nang pinahahalagahan ang komunikasyon sa mga magulang dahil dyan mo makukuha ang buy-in mula sa mga pamilya sa bahay. Kapag kanilang nauunawaan kung ano ang nangyayari sa silid-aralan, nalalaman nila kung paano susuportahan ang kanilang anak."
Gusto rin ni Melashenko kung paaano tumutulong ang ClassDojo na patatagin ang madadaling koneksyon sa mga magulang. Halimbawa, maka-copy paste ng mga guro sa platform ang kanilang mga listahan ng mag-aaral at gamitin ang mga listahang iyon upang kumonekta sa kanilang mga pamilya. "Ang tangi mo lamang gagawin ay ang ilagay ang kanilang numero ng telepono o email address at ipadadala ng ClassDojo ang mensahe," kanyang ipinaliliwanag. "Sa kabilang banda, nakakakuha sa kanilang cell phone ang mga magulang ng link para sumali. Ganun lang talaga kasimple at kadali."
“Alam Ko ang Lahat ng Nangyayari”
Maaaring inilunsad ng isang maliit na grupo ng mga guro ang implementasyon ng ClassDojo ng Alisal USD, ngunit ngayon ay ginagamit ng buong distrito ang platform. Dagdag pa sa mga guro, ginagamit ito ng mga administrador upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa kanilang "coffee klatch" na mga parent meeting. "Ginagamit ito ng lahat, at available agad ang impormasyon," sabi ni Melashenko. "Bilang isang magulang ng mag-aaral sa distrito, nararamdaman kong may higit pa akong komunikasyon. Alam ko ang lahat ng nangyayari."
Sa taong ito, gusto ng Alisal USD na dagdagan ang paggamit nito ng ClassDojo sa pamamagitan ng pagkukumpara nang eksakto kung paano ginagamit ito ng mga guro at administrador sa distrito. Halimbawa, maraming guro ang nasisiyahan sa pagbabahagi dito ng kanilang mga kuwento sa klase, habang ginagamit ito ng mga administrador at mga tauhan ng support upang magbahagi ng impormasyon tungkol sa mga open house, back to school nights at mga event na nauugnay sa holiday kasama ng anumang mahahalagang impormasyon na kinakailangan na maibahagi agad.
Ang ilang paaralan ay ginagamit ang platform nang higit sa iba, ayon kay Clemente, na nagsasabing ang isa sa partikular ay ginawaran ang mga mag-aaral nito ng 40,000 points sa pamamagitan ng platform. "Habang ating tinitipon ang impormasyon sa paggamit na tulad nito," kanyang ipinaliliwanag, "maaari nating simulan ang paggawa ng ilang outreach upang suportahan ang ilan sa iba pang mga paaralan na maaaring gustong dadagdagan ang kanilang sariling paggamit."
Sa kaagahan ng taong ito, bumuo ang Alisal USD ng isang programang "i-train ang mga trainer" para sa ClassDojo na may goal na tulungan ang mga guro, administrador at tauhan na magpatuloy na galugarin at gamitin ang platform. "Ang aming mga ETL ay sinanay nang sa gayon ay masuportahan nila ang bawat site ng paaralan," sabi ni Clemente. "Alam rin ng mga guro na narito kami upang sumagot sa mga tanong at magbigay ng isa-sa-isa na suporta kung kakailanganin."
Pagpapakalat ng Mensahe
Nag-aalok rin ang ClassDojo ng kakayahan ng pagsasalin sa 130+ na wika na tumutulong sa mga distrito na kumonekta at makipag-ugnayan sa mga magulang mula sa samu't saring pinanggalingan, bansa at etnisidad. Halimbawa, sabi ni Clemente ang kanyang huling paaralan ay binubuo ng magkakahalong pamilya na nagsasalita ng Ingles at Espanyol, pati na rin ang ilan ay mula sa Yemen. "Gustong-gusto nila na naisasalin ang aming mga mensahe sa kanilang unang wika," sabi ni Clemente, na dati ay siya mismo ang nag-aasikaso ng pagsasalin, at sa bawat single na komunikasyon.
"Ang opsyon sa pagsasalin ng ClassDojo ay isang time saver para sa akin basta't akin lang isusulat sa aking post, alam ko na ang mga magulang ay iki-click lang ang munting "mundo" na icon at maisasalin na ang mensahe para sa kanila," sabi ni Clemente. "Talagang ginawang mahusay nito ang proseso dahil kahit na ako ay bilingual, ang aming pamamaraan dati sa ClassDojo ay inaabot ng dobleng trabaho para i-manage ang pagsasalin."
Kinilig ang mga magulang dahil binuksan nito ang isang bagong-bagong two-way na communication tool para sa kanila. "Talagang gustong-gusto nila ang magpadala sa akin ng mensahe na madali kong mababasa at masasagot," sabi ni Clemente. "Talagang simple lang ito, at isang malaking paglipat mula sa mga araw ng pagpapadala ng notes at pakikipag-usap sa telepono, ang huli ay napakahirap i-manage kapag ikaw ay nasa isang silid-aralan na puno ng mga mag-aaral."
Isang Silipan (Window) sa Bawat Paaralan Mula sa pananaw ng trainer sa teknolohiya, sabi ni Melashenko na ang ClassDojo ay isang malugod na karagdagan sa kuwadra ng teknolohiya ng Alisal USD partikular nang dahil sa pinalitan nito ang higit na analog— at higit na hindi mahuhusay na paraan ng pakikipag-usap sa mga magulang at pagpapalakas ng mga positibong pag-uugali pareho sa loob at labas ng campus.
“Isa itong platform sa pamamahala ng tool sa komunikasyon at pag-uugali na pinagsama sa isang madaling gamitin na app," dagdag ni Clemente. "Nagbibigay ito ng silipan sa kung ano ang nangyayari sa lahat ng 13 paaralan. Nagagawa nating makita ang lahat ng nangyayari sa lahat ng iba pang mga site ng paaralan, at yan ay kahanga-hanga," sabi ni Melashenko. "Hindi tayo maaaring mapunta sa 13 paaralan sa parehong oras, kaya't ang masilip lang nang kaunti kung ano ang ginagawa ng bawat paaralan ay labis na nakakatulong na."