

Mga Portfolio ng ClassDojo
Ipinapakilala ang mga portfolio na pinangungunahan ng mag-aaral
na magugustuhan ng iyong mga anak (at kanilang mga magulang) 😄


Gawing mas kasiya-siya ang taon na ito para sa lahat ✨
Gustong-gustong ibahagi ng mga mag-aaral ang kanilang gawain
Ang mga mag-aaral ay nakakakuha ng panghihikayat mula sa mga guro at kanilang mga magulang para sa lahat ng kanilang pagsusumikap 🤗
Isang app lang ang kailangan ng mga magulang ngayong taon
Ang mga guro, mga magulang at mga mag-aaral ay gumagamit ng parehong libreng ClassDojo app para maging bahagi ng kasabikan sa portfolio.
Magpadala ng mga Aktibidad sa mga mag-aaral
Mag-udyok sa mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang iniisip sa pamamagitan ng mga nakatalagang Aktibidad




Ang mga guro ay palaging may kontrol
Dapat aprubahan ng mga guro ang mga bagay na pino-post ng mga mag-aaral bago sila ibahagi sa mga magulang sa bahay.

Tanging ang mga magulang ng bata ang nakakakita ng gawain
Dapat aprubahan ng mga guro ang mga bagay na pino-post ng mga mag-aaral bago sila ibahagi sa mga magulang sa bahay.

Makikita ng mga magulang ang gawain ng kanilang anak sa ClassDojo app
Ang tanging makikita ng mga magulang ay ang gawain sa klase ng kanilang sariling anak. Maaari din silang magmensahe sa iyo, at matanggap ang lahat ng iyong update sa Kuwento ng Klase.

Makikita ng mga magulang ang gawain ng kanilang anak sa ClassDojo app
Ito ang ultimate bundle para sa mga magulang - agarang pagmemensahe, mga larawan at update mula sa klase, at ang makita ang digital na portfolio ng kanilang anak.

100% na LIBRE para sa mga guro, mga magulang, mga mag-aaral, mga punong-guro, mga tuta, mga pusa, mga kabayo… magpakailanman.
Sasabihin ng mga mag-aaral, "Wow — napakadali, at napakagaling!"
Perpekto para sa 1:1 at napagsasaluhang aparato (shared devices) ng mga silid-aralan

Mag-login
Hindi na kailangang tandaan ang mga username at password - nagla-log in ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-scan ng QR code ng klase.


Gumawa
Pinipili ng mga mag-aaral (o mga guro) kung paano isusumite ang trabaho. Kumuha ng mga larawan, mag-rekord ng mga video, sumulat sa journal, at marami pang iba!


Isumite
Sa sandaling aprubahan ng mga guro ang gawaing isinumite ng mag-aaral, ang mga magulang ay makapagdadagdag ng pagpapalakas ng loob sa portfolio ng kanilang anak!



Tatlong dahilan na napaibig ako sa Mga Portfolio ng ClassDojo
Ginagamit ko na ang ClassDojo sa huling limang taon nang halos araw-araw. Ang pagsisimula sa isang simpleng paraan para magbigay hikayat sa mga mag-aaral ay naging aking paboritong app ng silid-aralan ngayon para panatilihing nauugnay ang mga pamilya. Gumamit ako ng Mga Kuwento ng Mag-aaral nakaraang taon (ang mas lumang bersyon ng mga digital na portfolio ng mag-aaral), ngunit nang inimbitahan mo ako na subukan ang Mga Portfolio sa ClassDojo ilang linggo na ang nakaraan, batid kong isa ito sa mga pinakamahahalagang karagdagan sa aking silid-aralan. Heto ang tatlong dahilan na napaibig ako sa inyong mga digital na portfolio na pambata:
#1: Napakadaling kumonekta sa mga magulang!
Ginagamit ko na ang ,[object Object], sa ClassDojo upang magbahagi ng anunsyo sa mga magulang, ngunit gusto palagi ng mga magulang na malaman kung ano ang ginagawa at natututunan ng kanilang anak. Ang Mga Portfolio ay nangangahulugan na ang lahat ng 22 ng aking mga kindergarten ay maaaring maglaan ng mabilisang sandali at gawin mismo iyon. Maaari silang kumuha ng isang larawan o video ng proyekto na aming ginawa sa klase, at nakikita ito ng mga magulang agad-agad sa ClassDojo app saan man sila naroroon.
#2: Gustong-gusto ng mga bata!
Ang Mga Portfolio ay talaga namang masaya para gamitin ng mga bata, lalong-lalo na sa paaralang elementarya. Patuloy akong nasosorpresa ng mga ngiti na nakikita mula sa kanila sa bawat oras na kanilang inilalabas ang kanilang mga aparato ng silid-aralan (gumagamit kami ng iPads). Ang bagong tools sa pagguhit ay kahanga-kahanga, ngunit kahit ang pagkuha ng mga larawan ng gawain sa silid-aralan ay kasiya-siya na sa kanila. Palagi silang nagtatanong, "Binibini Jones, maaari ba naming ibahagi ito sa aming portfolio?" Gustong-gusto nilang magyabang sa kanilang mga magulang — sinong bata ang hindi?
#3: Sobrang daling gamitin para sa aking mga kinder
Nag-alala ako na ang pag-login sa ClassDojo ay mahirap para sa mga limang taong gulang, ngunit tama ang ClassDojo: sobrang simple nito. Prinint ko ang QR code ng klase, tineyp ito sa aking klase, at alam eksakto ng mga bata kung ano ang gagawin. Binuksan nila ang ClassDojo app sa kanilang mga iPad, tinap ang "Mag-login bilang mag-aaral" at pagkatapos ay iniscan ang code!
Sobrang saya ko na aking sinubukan ang inyong mga digital portfolio para sa mga mag-aaral, dahil ginagawa nitong mas madali ang aking buhay, mas masaya ang oras ng aking mga anak sa klase, at mas natutuwa ang kanilang mga magulang na maging bahagi ng aming komunidad ng silid-aralan.
Salamat muli, ClassDojo!
Binibini Jones
Guro ng Kindergarten





Manabik :)
Maghanda para sa mga digital na portfolio na pinangungunahan ng mga mag-aaral na magugustuhan ng iyong mga anak ( at kanilang mga magulang) ❤️