Skip content

Tingnan kung paano nakamit ng Hamilton Elementary ang 5.3x na pagtaas sa antas ng literasiya sa pamamagitan ng pagpokus sa koneksyon gamit ang ClassDojo

Paaralang Elementarya ng Hamilton

San Diego, CA

Metrics

5.3x na pagtaas sa antas ng literasiya

with ClassDojo


Brittany Daley

Brittany Daley

Punong-guro ng Elementarya ng Hamilton

Noong naging punong-guro si Brittany Daley sa Hamilton Elementary sa City Heights ng San Diego, hindi maganda ang lagay: 9% lang ng mga mag-aaral ang nakakabasa sa kanilang baitang, at 37% ay palaging lumiliban. “Malinaw sa akin na hindi sabik ang mga pamilya na papasukin ang kanilang mga anak, hindi alam ang mga nangyayari sa aming paaralan, at higit pa rito, hindi sila komportable—lalo na't hindi sila naniniwala na kaya nilang—iparating sa amin ang kanilang mga pangangailangan,” aniya.

Hindi lang mga akademikong interbensyon ang kailangan ni Hamilton—isang pagbabago ng kultura ang kailangan. Ano ang estratehiya? Gawing sentro ng tagumpay ng mag-aaral ang pakikipag-ugnayan ng pamilya.

Pagtatatag ng tiwala bago ang pagtuturo

Matapos ang pandemya, malalim ang kawalang-tiwala. Maraming pamilya ang nakakaramdam ng pagkakahiwalay, at ang mga hadlang sa komunikasyon sa iba't ibang wika ay nagpapahirap pa lalo. Halos kalahati ng mga mag-aaral ay tinuturuan ng Ingles bilang karagdagang wika, at ang wika ng mga pamilya ay kinabibilangan ng Espanyol, Haitian-Creole, Pashto, at Vietnamese.

Upang maputol ang siklo ng pagkakaliban at kawalan ng pakikilahok, nagsimula ang paaralan hindi sa akademikong aspeto, kundi sa pagiging nakikita at pagtitiwala. “Ang unang bagay na ginawa ko ay magtatag ng bukas na komunikasyon sa mga magulang gamit ang ClassDojo,” ani Daley. “Naging madali itong paraan para bumuo ng tiwala at pagtutulungan sa pagitan ng pamilya at tauhan.”

Isang simbolikong hakbang ang nagpatibay sa pangakong ito: “Dalawang taon na ang nakakaraan, binilhan ko ang bawat guro ng asul na upuan. Kapag may magulang o tagapag-alaga na gustong bumisita, ito ay isang dedikadong espasyo para sa kanila. Ito ang paraan ng pagsasabi ko na, ‘Mula ngayon, magiging iba na ang lahat.’”

“Ang unang bagay na ginawa ko ay magtatag ng bukas na komunikasyon sa mga magulang gamit ang ClassDojo.

Masayang pakikilahok muna

Ang paunang pokus ay hindi sa akademiko: ipinakita muna sa mga pamilya na ang paaralan ay maaaring maging masaya at nakakahalinang lugar. Nagsagawa ang paaralan ng mga klase sa sining pagkatapos ng klase, buwanang “Family Fridays,” at mga event gaya ng Halloween costume drive at Read Across America.

“Hindi kaalaman ang layunin sa mga pagtitipon na ito. Lahat ito ay para sa pagtatatag ng tiwala at paglikha ng matagumpay na ugnayan sa mga mag-aaral at mga pamilya nila,” ayon kay Daley.

Umabot mula 10 hanggang sa lampas 200 ang dumadalo sa Family Friday, at ang mga pamilya ay nagsimulang manguna sa sariling mga inisyatiba gaya ng mga tindahang pambihisan, food center, at klase sa Ingles. “Ngayon, malaki na ang ipinagbago ng atmospera sa Hamilton kumpara noong una akong pumasok apat na taon na ang nakalipas.”

Image
Sa ClassDojo, madaling makakapagbahagi ng larawan at video ang bawat guro araw-araw para maramdaman ng mga pamilya na konektado sila sa paaralan.

Isinasama ang akademiko sa tahanan

Matapos mabuo ang tiwala, susunod ang akademiko —ngunit lagi pa ring sentro ang mga pamilya. Ang pagpokus sa pambuong-paaralang phonics ay kinabibilangan ng mga personalized na gawaing maaaring dalhin sa bahay, na idinisenyo at ipinamalas sa pakikipagtulungan sa mga kumperensya ng magulang-guro.

“Mabilis naming napagtanto na bukod sa pagtulong sa mga mag-aaral, nilalabanan ng gawaing ito ang huwad na kuwento ng maraming pamilya — na hindi sapat ang kanilang alam, hindi sila ganun kakumpiyansa, o wala silang sapat na oras upang tulungan ang kanilang mga anak na magtagumpay.”

Tunay na resulta para sa mga bata

Malaki ang sinasabi ng mga kinalalabasan: 48% ng mga mag-aaral ay nakakabasa na ayon sa baitang, at bumaba na sa 17% ang malalang pagliban, na may goal na 14% ngayong taon. “Kapag bumibisita ang mga lider ng distrito, palagi silang humahanga sa partisipasyon. Sabi ko sa kanila, kung pinahahalagahan mo ang isang bagay, dapat isama ito nang lubusan sa sistema na wala silang magagawa kung hindi gawin ito.”

Pakikipag-ugnayan ng pamilya bilang estratehiya, hindi lang slogan

Ang pagbabagong ito ay hindi dahil sa bagong kurikulum o mamahaling tools. Nangyari ito dahil isinama ng paaralan ang pakikipag-ugnayan ng pamilya sa lahat—mula sa mga staff meeting hanggang sa pagpa-plano ng literasiya. Hindi ito isang standalone na programa; ito ang pundasyon.

Pinatutunayan ito ng mga pag-aaral: kapag nakikipag-ugnayan ang mga pamilya, bumubuti ang skills sa pagbasa, pag-unlad sa wika, at atensyon sa klase. Pati din morale ng guro at kabuuang kalagayan ng pamilya ay gumaganda.

“Para sa akin, ang pakikipag-ugnayan ng pamilya ang pinakamabisang estratehiya sa akademiko,” ani ni Daley. “Paminsan-minsan sa mundo ng K–12, pinaghihiwalay natin ang mga bagay na ito —ngunit sa totoo lang, ito ang susi para maabot ang mga goal sa akademiko at lumikha ng masayang komunidad ng paaralan.”

Connection starts with ClassDojo

Take tour