Skip content

Spring ISD School District

logo
"Gumagana nang napakahusay ang ClassDojo dahil sobra itong nakakaengganyo. Hindi lang ito tool ng komunikasyon. Ang platform ay may elemento ng saya dito, at iyan ay isa pang dahilan kaya madaling natatangkilik ng mga tao."
person

Shane Strubhart

Hepe ng Komunikasyon sa Spring ISD

Spring Independent School Districts (ISD), na matatagpuan 20 milya hilaga ng Houston, ay isang distrito na may iba't ibang tao na nagsisilbi sa mahigit 34,000 mag-aaral sa 43 kampus. Sa pagkakaroon ng malaking porsyento ng mga mag-aaral na mula sa mga pamilyang nahaharap sa kahirapan at may rate ng pagpapalipat-lipat ng mag-aaral na higit sa 20%, humarap ang Spring ISD sa mga natatanging hamon sa pagpapanatili ng matibay na komunikasyon sa pagitan ng mga pamilya, guro, at mga lider ng paaralan. Humantong ito sa kanila sa paggamit ng ClassDojo sa buong distrito noong 2023 bilang bahagi ng mas malawak na inisyatiba upang mapabuti ang komunikasyon at masuportahan ang tagumpay ng mag-aaral.

Mula sa one-way na komunikasyon tungo sa tunay na pakikilahok

Bago lumipat sa ClassDojo, umaasa ang Spring ISD sa Blackboard, isang one-way na tool sa komunikasyon na nililimitahan ang kakayahan ng mga magulang na makapag-ambag ng makahulugang, two-way na pag-uusap sa mga guro. Gumagamit din ang mga guro ng iba't ibang hindi pa naaprubahang mga tool sa komunikasyon, na nagdulot ng mga alalahanin sa seguridad ng data at consistency. Nais ng distrito ang isang pinagsama, ligtas na plataporma na maaaring magbigay ng parehong mga kakayahan para sa komunikasyon at pamamahala ng klase, at nakakaangkop din sa mga pangangailangan ng palipat-lipat na populasyon ng mag-aaral. Ang IT department ng Spring ISD ay may mga alalahanin din ukol sa seguridad at gastusin ng mga alternatibong platform, dahil maraming solusyon ang napakamahal—umaabot mula $40,000 hanggang $120,000—at hindi sapat na natutugunan ang mga pangangailangan ng distrito.

Pagkatapos kumonsulta sa mga guro at tumanggap ng feedback mula sa komunidad, naging malinaw sa Spring ISD na ang ClassDojo ang pinakapinipili at kadalasang ginagamit na tool ng mga edukador. Pinadali nito ang two-way na komunikasyon sa pagitan ng guro at pamilya, nagbibigay ng real-time na feedback, at tumulong buuin ang tiwala at pinagyaman ang higit pang kolaborasyon sa pagitan ng tahanan at paaralan. Nagbigay din ito ng isang ganap na ligtas na plataporma na may single sign-on functionality, at ito ay ganap na libre—isang malaking benepisyo sa Spring ISD, lalo na't ang Texas ay isa sa may pinakamababang antas ng pagpopondo para sa mga paaralan sa bansa.

Isang plataporma, walang katapusang posibilidad

Ang pangunahing goal ng Spring ISD ay mapalakas ang pakikilahok ng mga magulang, na ayon sa pananaliksik ay napakahalagang tagapagpahiwatig ng tagumpay ng mag-aaral. Sa pag-iisa ng komunikasyon sa isang plataporma, pinadali ng ClassDojo para sa mga pamilya ang manatiling kasali at konektado sa edukasyon ng kanilang anak. Nakapagpapadala ang mga guro ng direktang update ukol sa progreso, feedback sa pag-uugali, at mga nalalapit na event. Bukod dito, ang kakayahang lumikha ng mga event na pambuong-kampus at pagpapadala ng mga paalala ay nagresulta sa mas mataas na pagdalo (attendance) at partisipasyon ng mga magulang.

Mas masasayang silid-aralan

Nalaman ng Spring ISD na ang mga natatanging feature ng ClassDojo ay hindi lang nakapagpabuti sa komunikasyon, kundi nakatulong din sa pamamahala ng klase. Nagagamit ng mga guro ang plataporma upang maggawad ng points para sa positibong pag-uugali at masubaybayan ang progreso ng mag-aaral, na mas nakaka-engganyo kaysa sa mga tradisyonal na pamamaraán at pinagyaman ang isang mas positibong kapaligiran.

Isang ligtas at pribadong plataporma 

Dahil sa matinding pokus sa privacy ng data, ang pagsisiguro sa seguridad ng impormasyon ng mag-aaral at pamilya ay isang nangungunang prayoridad para sa Spring ISD. Ang matitibay na protocol sa seguridad ng ClassDojo ay nagbigay ng kumpiyansa sa distrito na napoprotektahan nito ang sensitibong data habang nagbibigay din ng ligtas at madaling gamitin na plataporma para sa komunikasyon ng mga guro at magulang.

Isang matipid na solusyon 

Dahil sa maraming distrito ang nahaharap sa kakulangan ng budget, malaking kalamangan ang pagiging libre ng ClassDojo. Habang ang ibang plataporma ay nangangailangan ng mahal na subscription, nagbigay ang ClassDojo ng makapangyarihang tool sa komunikasyon nang walang bayad. Lalo itong naging mahalaga dahil 80% ng mga distrito ng paaralan sa Texas ay gumagana na may kakulangan sa budget.

Mabilis na pag-angkop 

Ang pagiging madaling gamitin at ang mga nakakaengganyong tampok ng ClassDojo ay humantong sa mabilis na pagtanggap sa mga paaralan ng Spring ISD. Inuna ng distrito ang mga elementarya na makamit ang 100% na paggamit, at unti-unti na ring pinalawig sa mga middle school. Upang hikayatin ang paggamit, kinilala ng distrito ang mga paaralang mahusay sa paggamit ng plataporma at binigyan ng care packages, na lalo pang nagpataas ng interes at paggamit sa buong distrito.

White-glove na serbisyo 

Nalaman din ng Spring ISD na napakahalaga ng customer service at tuloy-tuloy na suporta ng ClassDojo, kabilang ang mga mapagkukunan ng training at mga regular na pagcheck-in. Pinahahalagahan ng distrito kung paano naging tunay na kasangga ang ClassDojo, nag-aalok ng regular na feedback at kaalaman kung paano mapapabuti pa ang user experience.

 Konklusyon

Naging napakaepektibo ng ClassDojo para sa Spring ISD. Lubos na lumago ang pakikilahok ng pamilya, at ang pagiging madaling gamitin ng plataporma at mga nakakaengganyong feature ay tumulong sa mga guro na mas epektibong pamahalaan ang mga silid-aralan. Ang kakayahan na subaybayan ang paggamit at pakikilahok ay nakatulong din sa distrito na masuri at pinuhin ang estratehiya sa paglipas ng panahon, lahat ng ito sa loob ng ligtas at matipid na solusyon. Ginagampanan ng ClassDojo ang pangunahing papel sa pagtataguyod ng misyon sa tagumpay ng mag-aaral ng Spring ISD sa pamamagitan ng matibay na pakikipagtulungan ng tahanan at paaralan.

34,000

Mga Mag-aaral

icon

Nakakatipid ng $120k kada taon

kasama ng ClassDojo

43

Mga Campus

Makita ang ClassDojo sa aksyon. Mag-book ng one-on-one na tawag ngayong araw.