Skip content

Bagong Kensington-Arnold School District

logo
"Nagawa naming palakasin ang positibong pag-uugali sa ClassDojo at mabuting komunikasyon sa mga magulang."
person

Brian Heidenreich

Punong-guro ng H.D. Berkey Elementary School sa New Kensington-Arnold School District

Nang tinanggap ni Brian Heidenreich ang pagiging bagong punong-guro ng H.D. Berkey Elementary School sa Arnold, Pa., dalawang taon na ang nakalilipas, matindi ang trabahong kanyang hinarap. Ang mataas sa kahirapan (Title One) na paaralan, na nagsisilbi sa mga mag-aaral sa una at ikalawang baitang, ay nagpatupad ng 69 na araw ng suspensyon sa pagitan ng Setyembre hanggang Disyembre pa lamang. 

Nagtuturo na dati si Heidenreich sa ibang paaralan ng New Kensington-Arnold School District, kaya alam niya ang mga isyu sa pag-uugali ng mag-aaral at ang mataas na antas ng suspensyon na hinaharap ng H.D. Berkey. 

“Nang magsimula ako bilang punong-guro, ang aking unang pangunahing inisyatiba noong unang araw ay gamitin ang ClassDojo,” ani ni Heidenreich, na bilang isang instruktor ay matagal nang ginagamit ang plataporma ng komunikasyon upang ikonekta ang mga guro, mag-aaral, at pamilya para bumuo ng positibong komunidad ng silid-aralan. “Nagawa naming palakasin ang positibong pag-uugali gamit ang ClassDojo at mabuting komunikasyon sa mga magulang.”

Isang Bagong Tool ng Komunikasyon

Inaasahan ni Heidenreich na magkakaroon ng paunang pagtanggi mula sa mga guro sa bagong plataporma ng komunikasyon, ngunit karamihan sa kanila ay medyo nasabik na magkaroon ng isang bagong paraan para makipag-usap sa mga magulang at bigyang-insentibo ang mag-aaral para sa mabuting pag-uugali. Binabawasan ng ClassDojo ang pressure sa mga guro na kailangan pang tumawag o mag-email sa mga magulang para i-update sila ukol sa progreso at hamon ng mag-aaral.

“May magandang paraan na ngayon ang mga guro para magpadala ng mabilis na mensahe sa mga magulang sa kalagitnaan ng araw o mamayang gabi,” sabi niya. Hinihikayat ang mga edukador na magbahagi ng parehong positibo at negatibong feedback sa mga magulang, at gamitin ang plataporma upang palawakin ang relasyon sa mga pamilya. Marami sa kanila ang gumagamit ng ClassDojo para mag-post ng class stories linggo-linggo, kabilang ang mga larawan ng masasayang pangyayari at paalala tungkol sa mga nalalapit na pagsusulit, screenshots ng tips para sa takdang-aralin, at iba pang mahalagang impormasyon. 

Dahil sa may malaking porsyento ng mga mag-aaral nito ang dumaranas ng mga hamong sosyo-ekonomiya, nagsusumikap ang H.D. Berkey na lumikha ng positibong karanasang pang-edukasyon para sa mga batang ito. Isinasama nila ang kasiyahan sa paaralan tuwing may pagkakataon. Halimbawa, katulad ng sa kamakailang Read Across America Week, kung saan nagbihis ng wacky na damit ang mga mag-aaral at pomustura para sa mga larawan na ginamit bilang bahagi ng class stories ng linggo.

Dalawahan ang goal: hayaang masiyahan ang mga bata sa pambansang event habang pinalalakas sa hanay ng mga magulang ang pangangailangan ng pagbabasa at paggawa ng takdang-aralin sa bahay. “Kapag may pakialam ang mga bata sa mga bagay na higit pa sa pag-aaral lang” ani ni Heidenreich, “ ang paaralan ay ginagawang isang lugar na mas masaya at mas masigla ang paaralan.”

Bumaba ang Bilang ng Suspensyon ng Mag-aaral

Malaki ang naging positibong epekto ng ClassDojo sa rate ng suspensyon sa H.D. Berkey—mula 69 ay bumaba ito sa dalawa na lamang—sa loob ng dalawang taon. Patuloy ang paaralan sa pagsusuri ng attendance reports para masukat ang epekto ng ClassDojo dito, ngunit ang pagbaba ng bilang ng araw ng suspensyon ay isang tunay na testamento sa kontribusyon ng plataporma. 

“Marami mang factor, ngunit tingin ko ay malaki ang naging bahagi ng ClassDojo sa pagbaba ng bilang ng suspensyon” ani ni Heidenreich, na nagdagdag pa na mas mataas ang morale at pangkalahatang positibidad ngayon sa pampaaralang elementarya. Tinutulungan ng mga insentibo gaya ng March Madness—kung saan layunin ng mga mag-aaral na makuha ang 40 ClassDojo points para sa magandang pag-uugali—ay lalo pang nakatulong na palaganapin ang positibong enerhiya sa campus. 

“Pinili namin ang 40 bilang goal dahil medyo kaya itong maabot ng bawat mag-aaral, pero nasa lebel din ito kung saan dapat silang magpursige pa,” ani ni Heidenreich. Sinusuportahan rin ng ClassDojo ang magandang teamwork at pagtutulungan ng mga mag-aaral, kung saan palihim nilang pinaaalalahanan ang mga kaklase na hindi nakakatugon sa mga ekspektasyon—isang peer-to-peer support style na pinayayaman ang mga katangian ng pagiging lider sa mga mag-aaral.

Laging Naghahanap ng Susunod na Pamantayan

Habang pinagmumuni-munihan ni Heidenreich ang paaralang sinalihan niya dalawang taon na ang nakalipas at ang kanyang pinamumunuan ngayon, sabi ni Heidenrich na ang pinakamalaking pagbabago ay ang pag-uugali ng mag-aaral ay tinitingnan na ngayon sa isang positibong lente kaysa ang paggamit ng negatibo at mapagparusang pamamaraan. 

“Dati, palaging parusa ang sagot sa lahat. Ngayon, ginagamit namin ang ClassDojo para itaguyod ang positibidad,” ani ni Heidenreich. Ngayon, laging nagsisikap ang mga mag-aaral tungo sa panibagong goal, pamantayan o reward. Kapag nakamit na, pupunta sila sa “reward room ” para kunin ang premyong pinaghirapan nila. 

Sinasabi rin ni Heidenreich na tinatanggal ng ClassDojo ang pangangailangan ng pagpapadala ng mga gawain pauwi sa bahay na hindi naipaparating sa mga magulang at tagapag-alaga. Kahit makarating man, kadalasan ay gusot na at hindi mabasa. “Maaaring ang backpack o folder ay bumalik sa bahay na hindi man lang nagalaw,” paliwanag niya, “pero laging may cellphone ang magulang, kaya siguradong natatanggap nila ang notipikasyon mula sa ClassDojo.”

Nakakahawang Positibidad sa Buong Paaralan

Sa aspeto ng komunidad, ginagamit rin ng H.D. Berkey ang plataporma ng komunikasyon para gumawa at magbahagi ng flyers sa cheerleading camps, wrestling league, at iba pang oportunidad para sa kabataan at magulang. Epektibo ang estratehiya: ngayong taon, naitala ang pinakamalaking bilang ng sumali sa youth wrestling league na 90 bagong mag-aaral. 

“Personal silang nagpasalamat sa amin dahil nai-share namin ang flyer nila sa ClassDojo—lahat ng magulang ay nakakita nun,” ani ni Heinrich, na sa tingin niya ang pinakamatinding lakas ng plataporma ay ang mabilis na komunikasyon at nakakahawang positibidad na nakapagpupukaw sa mga mag-aaral na maipakita ang kanilang sariling paghuhusga at pag-uugali sa paaralan

“Kapag narinig ng mga mag-aaral ang ‘ding,’ alam nilang may isa na namang mag-aaral na nakatanggap ng reward. Tinitingnan nila kung paano nakuha iyon, at ginagaya nila ang magandang asal na iyon, ” ani ni Heidenreich. “Ang ClassDojo ay isang positibong kasangkapan sa pag-uugali na nagpapataas ng komunikasyon pareho sa pamilya at paaralan, at sa pagitan ng mga mag-aaral at guro.”

300

Mga Mag-aaral

icon

Bumaba ng 97% ang mga suspensyon

mula nang gamitin ang ClassDojo

2

Mga Antas ng Baitang

Makita ang ClassDojo sa aksyon. Mag-book ng one-on-one na tawag ngayong araw.