"Hindi lamang komunikasyon ito. Ito ay ang piraso ng pag-uugali, ang piraso ng skills, konektado lahat ito. Lumilikha ito ng pakiramdam ng pagkakasama-sama at komunidad."

Brian Prybil
Deputy Superintendent sa Moline-Coal Valley School District
Pagiging Positibo sa Progreso
Ang Moline-Coal Valley ay isang distrito na mabilis na lumalago at may iba’t ibang populasyon. Para masuportahan ang kanilang layunin ng epektibo at inklusibong komunikasyon, nakipagtulungan ang Moline-Coal Valley sa ClassDojo upang higit pang pagyamanin ang pakikipag-ugnayan ng pamilya sa mga pamilyang may iba't ibang wika, makabuo ng mas matatatag na gawi na pambuong-distrito, at makagawa ng mas matitibay na komunidad ng paaralan.
Itinutulay ang Puwang sa Komunikasyon
Pinahahalagahan ng Moline ang kanyang magkakaibang populasyon at naghahanap sila ng paraan upang mapahusay ang komunikasyon sa pagitan ng mga paaralan at mga pamilya. Nakita ng mga administrador ang pangangailangan na higitan ang mga tradisyonal na paraan tulad ng tawag sa telepono at emails na maaaring nakapaglilimita sa mga pamilyang may mga hadlang sa wika, na ginagawang mas mahirap sa kanila na makasabay sa edukasyon ng kanilang anak.
Ang pakikipagpartner sa ClassDojo ay nakatulong upang maitulay ang mga puwang na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng feature na agarang pagsasalin (instant translation), na nagbibigay-daan sa mga guro na makipag-usap sa mga pamilya gamit ang kanilang sariling wika. Dahil dito, mas naging epektibo ang pakikilahok ng pamilya, dahil madaling naa-access ng pamilya ang mga real-time update sa pag-unlad sa akademiko at pag-uugali ng kanilang mga anak. Para sa isang distrito na may 10% hanggang 15% na mobility rate, nag-aalok ang ClassDojo ng isang pamamaraan sa hindi pabago-bagong komunikasyon upang mapanatiling konektado ang mga pamilya kahit pa sa panahon ng palipat-lipat ng paaralan.
Pagpapayaman sa Positibong Mga Komunidad ng Paaralan
Higit pa sa komunikasyon, ginamit din ng Moline-Coal Valley ang ClassDojo upang paigtingin ang mas positibong kultura ng paaralan sa buong distrito. Ginagamit ng mga guro at administrador ang platform upang magpadala ng mga mensahe ng papuri at pagkilala, na pinalalakas ang positibong gawi at tagumpay pang-akademiko. Ang pokus na ito sa positibong pagpapatibay ay lumikha ng isang nakapanghihikayat na kapaligiran kung saan nararamdaman ng mga mag-aaral na pinahahalagahan ang kanilang mga pagsisikap.
Napansin ng mga punong-guro na pinadadali ng platform ang makahulugang interaksyon sa mga mag-aaral. Halimbawa, kapag nakakuha ng points ang mga mag-aaral sa ClassDojo, maaari silang batiin nang personal ng punong-guro, kaya lalong napagtitibay ang positibong pag-uugali na naitatala sa platform. Ang ganitong pamamaraan ay nakabuo ng mas matibay na diwa ng komunidad sa lahat ng paaralan, dahil maaaring masubaybayan ng mga guro at administrador ang progreso ng buong distrito, matukoy ang mga pattern, at maipagdiwang nang sama-sama ang mga tagumpay.
Pagpapalakas ng Ugnayan sa Pagitan ng Mga Guro at Mag-aaral
Ginamit din ng Moline-Coal Valley ang ClassDojo upang palakasin ang relasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral, lalo na sa mga espesyalistang guro tulad ng sa sining at pisikal na edukasyon na nagtatrabaho sa maraming paaralan. Ang mga gurong ito, na madalas ay kaunti lamang ang oras na nakakaharap ang mga mag-aaral, ay ginagamit ang platform upang mapanatili ang makahulugang koneksyon, na pinayayaman ang diwa ng pagkakabilang at pagtutuloy-tuloy sa kanilang interaksyon sa mga mag-aaral at pamilya.
Napapahalagahan ng mga guro ang mga real-time update at kakayahang makita ang progreso ng mag-aaral, na nagpapahintulot sa kanilang kilalanin at ipagdiwang ang mga indibidwal na tagumpay, maging ito man ay pagdadalubhasa sa isang bagong skill o pagmumwestra ng positibong pag-uugali. Nakapaglikha ito ng nakapanghihikayat na kapaligiran na sumusuporta sa paglago at pagkatuto ng mag-aaral.
Pagtatatag ng Hindi Pabago-bagong mga Gawi na Pambuong-distrito
Bago ginamit ng buong distrito ang ClassDojo, iba-iba ang ginagamit na tools at pamamaraan ng mga paaralan ng Moline-Coal Valley sa pagsubaybay ng pag-uugali at komunikasyon sa mga pamilya. Ang kakulangan sa consistency ay nagdulot ng pagkalito, lalo na sa mga mag-aaral na nagpapalipat-lipat ng paaralan.
Sa pagpapatupad ng ClassDojo sa lahat ng paaralan, nakapagtatag ang Moline-Coal Valley ng iisang pamamaraan ng pagsubaybay sa pag-uugali at komunikasyon. Ang istraktura ng platform ay nagbibigay-daan sa mga guro na magtakda ng malinaw at hindi pabago-bagong mga pamantayan sa pag-uugali, tinitiyak na ang mga mag-aaral na nagpapalipat-lipat ng paaralan ay makakaranas ng mga magkahalintulad na pamantayan at karanasan. Lalong mahalaga ang consistency na ito para sa mga mag-aaral na madalas magpalipat-lipat sa loob ng distrito, dahil nagbibigay ito ng inaasahang kapaligiran at kabawasan sa kawalang-katiyakan.
Napakahalaga rin ng kakayahang makapag-analisa ng data na pambuong-distrito. Maaari nang subaybayan ng Moline-Coal Valley ang partisipasyon sa komunikasyon, matukoy ang mga uso, at pinuhin ang mga estratehiya upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya. Ang pamamaraan na ito na nakabatay sa data ay tumutulong upang matiyak na epektibo ang mga pamamaraan ng komunikasyon at nakahanay sa mga kagustuhan ng mga magulang, na ginagawang mas madali na maabot at ugnayin ang lahat ng pamilya.
Konklusyon
Napatunayan ng Moline-Coal Valley School District na ang ClassDojo ay isang napakahalagang kasangkapan sa pagpapabuti ng pakikilahok ng pamilya, pagbuo ng positibong kultura ng paaralan, at pagtitiyak ng hindi pabago-bagong mga gawi sa lahat ng paaralan. Sa pagtugon sa mga hadlang sa komunikasyon, pagdiriwang ng tagumpay ng mag-aaral, at pagbibigay ng iisang platform sa pagsubaybay ng progreso, napahusay ng ClassDojo ang karanasan sa edukasyon para sa mga mag-aaral, guro, at pamilya. Habang patuloy na umuunlad ang distrito, mananatiling sentro ang ClassDojo sa kanilang mga pagsusumikap na lumikha ng mas inklusibo, konektado, at mapagsuportang kapaligiran sa pag-aaral.