"Nagbibigay ito sa amin ng window sa kung ano ang nangyayari sa lahat ng 13 paaralan. Nakikita namin ang lahat ng nangyayari sa lahat ng iba pang mga site ng paaralan, at iyon ay kahanga-hanga."

Lisa Melashenko
Technology Trainer sa Alisal Union School District
Higit pa sa Backpack Notes: Rebolusyon ng Komunikasyon sa ClassDojo ng Alisal USD
Ang mga trainer sa teknolohiya na sina Elena Clemente at Lisa Melashenko ay umaasa nang malaki na maabutan ang mga magulang sa drop-off line ng paaralan o pagpapadala ng mga paalala pauwi sa mga mag-aaral kapag nagbabahagi ng mahahalagang komunikasyon mula paaralan papuntang bahay. “Naaabutan namin ang mga magulang at kinakausap sila nang mabilisan anumang oras na may pagkakataon kami,” sabi ni Clemente.
Alam nilang hindi epektibo ang ganitong pamamaraan ng komunikasyon, kaya't nagpasya ang Alisal Union School District na ipatupad ang ClassDojo, isang plataporma para sa komunikasyon at pamamahala ng pag-uugali na kumokonekta sa mga guro, magulang, at mag-aaral. Bilang dating mga guro, pareho nang nagamit dati nina Clemente at Melashenko ang plataporma at nakita ito bilang isang mahusay na paraan upang mapalakas ang pakikilahok ng pamilya at maisara ang anumang mga puwang sa komunikasyon na mayroon noon.
“Hindi na namin kailangang i-pin sa mga shirt ng mag-aaral ang notes. Nalutas ng ClassDojo ang marami naming problema sa komunikasyon, pati na ang isyu ng flyers na nawawala sa mga backpack,” ani ni Clemente, na bilang guro ay ginamit ang plataporma upang mag-post ng kwento, magdiwang ng tagumpay ng mag-aaral, at palakasin ang positibong pag-uugali sa pamamagitan ng paggawad ng “points” sa mga mag-aaral sa buong araw ng klase.
“Naging bahagi ng araw ko ang ClassDojo. Nang matutunan ko ang tungkol sa plataporma, talagang napadali nito ang komunikasyon sa mga magulang,” ani ni Clemente, na nag-sign up bilang ClassDojo mentor at nagsimulang ipakalat ang balita tungkol dito sa iba pang mga paaralan sa distrito. “Gusto kong mas maraming magulang at guro ang gumamit nito hangga't maaari. Nagbibigay ito ng maliit na ‘pagsulyap’ sa aming araw.”
Napakasimple at Napakadaling Gamitin
Bilang mga trainer ng teknolohiya, sinusuportahan nina Clemente at Melashenko ang mga guro at administrador ng distrito sa pangangailangan, training at suporta sa mga platapormang pang-teknolohiya. Nagsasagawa sila ng demo sa klase at nagbabahagi ng maraming impormasyon hangga't maaari sa mga guro, at nagpapadala din ng lingguhang newsletter. “Nagko-coordinate kami ng iba't ibang sesyon ng training sa maraming magkakaibang plataporma,” ani ni Melashenko, “at sumusuporta sa mga punong-guro sa mga staff meeting at sa mga araw ng professional development.”
Mula 2015, pinalawak ng Alisal USD ang paggamit ng ClassDojo kada taon. “Nagsimula kami sa ilang silid-aralan at ngayon, lahat ng 13 paaralan sa aming distrito ay aktibong gumagamit na,” ani ni Melashenko. “Ang aming implementasyon na nagsimula sa simpleng pamamahagi ng mensahe ay lumago na ngayon bilang isahang pagsisikap ng distrito upang magamit ng lahat ang parehong plataporma at gawing pamantayan ang komunikasyon mula paaralan patungong bahay.” Ibinahagi rin ni Melashenko na nakatutulong ang plataporma upang palakasin ang mabubuting pag-uugali at maipahatid sa mga magulang maging ang mga hamon, kaya't laging alam ng mga magulang ang tagumpay at pagsubok ng kanilang mga anak.
“Talagang nakakatuwang makita ang paglago ng ClassDojo sa kung ano ito ngayon at magkakaibang katangian nito sa pag-aaral sa sosyal-emosyonal,” ani ni Melashenko. “Palagi kong pinahahalagahan ang komunikasyon sa mga magulang dahil ito ang susi para magkaroon ng buy-in mula sa pamilya sa bahay. Kapag naiintindihan nila ang nangyayari sa silid-aralan, alam din nila kung paano susuportahan ang anak nila.”
Gusto rin ni Melashenko kung paano itinatatag ng ClassDojo ang koneksyon sa mga magulang. Halimbawa, maaaring i-copy-paste ng mga guro ang mga listahan ng mag-aaral sa plataporma at gamitin iyon upang kumonekta sa pamilya. “ ang tangi mo lamang gagawin ay ilagay ang numero ng telepono o email address nila at ipapadala ng ClassDojo ang mensahe,”paliwanag niya. “Sa kabilang dako, makakakuha ng link ang mga magulang sa kanilang cell phone. Ganun lang talaga kasimple at kadaling gamitin.”
“Alam Ko Lahat ng Nangyayari”
Bagamat maliit na grupo lamang ng mga guro ang naglunsad ng ClassDojo sa Alisal USD, ginagamit na ngayon ng buong distrito ang platform. Maliban sa mga guro, ginagamit rin ng mga administrador ito para magbahagi ng impormasyon tungkol sa kanilang buwanang “coffee klatch” na meeting ng magulang. “Lahat ay gumagamit nito, at available ang impormasyon,“ ani ni Melashenko. “Bilang magulang ng isang mag-aaral sa distrito, pakiramdam ko ay mas marami na akong komunikasyon. Alam ko lahat ng nangyayari.”
Ngayong taon, gusto ng Alisal USD na palawakin pa ang paggamit ng ClassDojo sa pamamagitan ng paghahambing nang eksakto kung paano ito ginagamit ng iba't ibang guro at administrador sa distrito. Halimbawa, mas gusto ng maraming guro ang pagbabahagi ng class stories dito, samantalang ang mga administrador at tauhan ng suporta ay ginagamit ito upang magbahagi ng impormasyon sa open houses, back to school nights, mga event na may kaugnayan sa holidays, at iba pang mahahalagang impormasyon na kailangang maipahatid kaagad.
Ayon kay Clemente, may mga paaralan na mas aktibo ang paggamit ng plataporma, isa nga ay nakapaggawad ng 40,000 points sa kanilang mga mag-aaral gamit ito. “Habang nag-iipon tayo ng ganitong impormasyon sa paggamit,“ paliwanag niya, “maaari na tayong magsimulang gumawa ng ilang outeach para suportahan ang ilang paaralan na gustong mapalawak din ang kanilang sariling paggamit.”
Sa kaagahan ng taong ito, gumawa ang Alisal USD ng “train the trainers” program para sa ClassDojo na may goal na matulungan ang mga guro, administrador, at tauhan na patuloy na tuklasin at gamitin ang plataporma. “Sinanay ang aming mga ETLs para masuportahan ang bawat site ng paaralan,” ani ni Clemente. “Alam din ng mga guro na narito kami upang sagutin ang mga tanong at magbigay ng one-on-one na suporta kung kinakailangan.”
Paghatid ng Mensahe
Nag-aalok rin ang ClassDojo ng kakayahang maisalin sa mahigit 130 wika na tumutulong sa mga distrito na kumonekta at makipag-ugnayan sa mga magulang mula sa iba't ibang pinagmulan, bansa, at lahi. Halimbawa, sabi ni Clemente, ang huling site ng paaralan niya ay may halo ng Ingles at Espanyol na pamilya, at mayroon din mula Yemen. “Gustong-gusto nila ang kakayahang isalin sa sarili nilang wika ang aming mga mensahe,” ani ni Clemente, na siyang dating gumagawa ng pagsasalin para sa bawat komunikasyon.
“malaking tipid sa oras ang opsyon ng pagsasalin ng ClassDojo, dahil basta naisulat ko ito sa aking post, alam kong iki-click lang ng mga magulang ang maliit na 'mundo' na icon at awtomatikong maisasalin para sa kanila ang mensahe,” ani ni Clemente. “Ginawa nitong mas efficient ang proseso dahil kahit bilingual ako, doble ang trabaho noon para pamahalaan ng ClassDojo ang pagsasalin.”
Natuwa ang mga magulang dahil nagkaroon sila ng bagong two-way na tool ng komunikasyon. “Gusto nila na magpadala rin ng mensahe na madali kong mabasa at masagot,” ani ni Clemente. “Talagang simple, at malaking kaibahan mula sa dating pagpapadala ng notes o pagtawag sa telepono, na napakahirap gawin kung nasa silid-aralan kang puno ng mga mag-aaral”
Isang Bintana sa Bawat Paaralan
Mula sa pananaw ng technology trainer, sinabi ni Melashenko na malaking tulong sa kuwadra ng teknolohiya ng Alisal USD ang ClassDojo, lalo na't pinalitan nito ang mga analog—at mas hindi epektibong—paraan ng komunikasyon sa mga magulang at pagpapalakas ng mga positibong pag-uugali ng mag-aaral pareho sa loob at labas ng campus.
“Isa itong tool sa komunikasyon at plataporma sa pamamahala ng pag-uugali na nasa isang madaling gamitin na app,”dagdag ni Clemente. “Nagbibigay ito sa amin ng bintana sa nangyayari sa lahat ng 13 paaralan. Nakikita natin lahat ng nangyayari sa lahat ng iba pang mga site ng paaralan, at napakaganda noon,” ani ni Melashenko. “Hindi tayo maaaring pumasok sa 13 paaralan nang sabay-sabay, kaya ang makasulyap lang sa bawat paaralan ay napakalaking tulong na.”