Skip content

Dojo Islands Mga Hamon sa Pagbuo

Bumalik sa Sulok ng Aktibidad
Activity preview
Ang iyong mga mag-aaral ay sama-samang magtatrabaho para kumpletuhin ang isang serye ng mga hamon na susubok sa kanilang mga skills sa pagbuo at tutulong buuin ang komunidad ng iyong silid-aralan. Ang ready-to-go packet na ito ay kinabibilangan ng isang kontrata sa kasunduan ng silid-aralan, mga plano ng leksiyon, mga worksheet ng paghamon, graphic organizer, at mga sheet ng repleksyon!
Tantiyang 45 minuto
Kindergarten pataas
Isang direktang pakikilahok na aktibidad na nanghihikayat ng pagkamalikhain, paglutas ng problema, at teamwork.
Teacher AvatarJess GennarelliGuro sa Kindergarten at SiningNew York, NY

Paano ginagamit ng mga guro ang Dojo Islands Mga Hamon sa Pagbuo

Nasiyahan ba ang inyong klase sa aktibidad na ito? Bigyang inspirasyon ang iba pang mga guro sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mundo ng iyong Sandali ng Mojo!
Ibahagi ang iyong Sandali ng Mojo

Gusto mo ba ito? Ibahagi sa iba pang mga guro!

Teacher Avatar

Jessica Fischer

Ika-2 baitang
Activity Preview
Hamon sa Pagbuo! Maze Edition: Binuo ito ng aking mga nasa ika-2 baitang. Isinasama ko rin ang isang larawan ng mga gabay na pinagtulong-tulungan ng aking mga mag-aaral bilang isang klase. Habang binubuo, gumawa ng ilang pagsasaayos sa maze ang mga mag-aaral at nagtulong-tulong ng talagang nang mahusay! Kahit na sila ay may hindi pagkakasundo, kanila itong inayos sa pamamagitan ng pakikipag-usap. Ipinagmamalaki ko ang klaseng ito. Salamat sa hamon, Dojo!
Teacher Avatar

Melissa Chapple

Ika-2 baitang
Activity Preview
Sinimulan ngayong araw ng aking klase ang Dojo island Hamon sa Pagbuo! Pinili ng isang grupo ang hamon sa pagkain (magtatayo sila ng isang pizza) at ang isa ay pinili ang hamon na marating ang isang dulo ng zone papunta sa isa pa nang hindi sumasayad sa lupa. Nagtrabaho kami nang sama-sama para hatiin ang pagbuo, ang ilan ay sa kalahati nang sa gayon ay magkaroon sila ng kanilang sariling mga lugar!
Teacher Avatar

Edeline Faye

Kindergarten
Activity Preview
Kaya't aming sinimulan ang hamon sa pagbuo ng Kastilyo ni Prinsesa Katie sa Dojo Islands ngayong linggo. Naiayos ko na ito para sa weekend (sakaling gusto ng mga mag-aaral na gawin ito sa bahay). Tumulong ako sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang maliit, simpleng silid - walang anumang kagarbuhan. Nag-log ako dito ngayong umaga! 😍 Nakapagpapasaya sa akin na nilalaro nila ito sa bahay at malamang na isinasali sa saya ang kanilang mga kapatid at/o magulang 😉 Nagdagdag ako ng ilang mga upuang pang-beach para tumulong makapagbigay inspirasyon sa higit pang pagkamalikhain! Gusto ko ring pasalamatan yong mga nagbahagi ng kanilang mga larawan dahil ibinahagi ko ang mga ito sa aking klase (Mga Kinder) at iyon ay nakatulong sa kanila para mapasimulan sa mga ideya. Kaya't salamat muli at mangyaring patuloy na ibahagi ang mga larawang iyon!
Teacher Avatar

Jeffrey Richards

Ika-4 na baitang
Activity Preview
Gamit ang lahat ng mga hamon na ito ng dojo para tapusin ang huling linggo. Nagdadagdag ako ng aking sariling diskarte. Una ay aking iprinisenta ang udyok (prompt), ibinigay sa kanila ang handout at sila na ang nagplano. Pagkatapos nito ay gumamit ako ng dojo group maker para ilagay sila sa mga grupo-grupo. Ibinabahagi nila ang kanilang mga plano sa isa't isa, at nakabuo ng isang solid na ideya.

Gusto mo ba ito? Ibahagi sa iba pang mga guro!

Nasiyahan ba ang inyong klase sa aktibidad na ito? Bigyang inspirasyon ang iba pang mga guro sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mundo ng iyong Sandali ng Mojo!
Ibahagi ang iyong Sandali ng Mojo

Gumawa ng isang aktibidad?

Ang pagbabahagi ay pagmamalasakit—mag-ambag ng inyong mga paboritong aktibidad ng silid-aralan sa Sulok ng Aktibidad ni Mojo!

Magbahagi ng Aktibidad