Paano namin pinananatiling libre ang ClassDojo?
Nananatiling libre ang ClassDojo dahil sa aming serbisyo ng opsyonal na subscriptionIsang tala mula sa mga tagapagtatag ng ClassDojo
Sinimulan ko at ni Liam ang ClassDojo na may misyon na tulungang makuha ng bawat bata sa Lupa ang edukasyon na gustong-gusto nila.
Ito ang nananatili sa puso ng lahat ng ginagawa namin. At dahil narito kami para sa bawat bata, nakapangako kami na maa-access ng bawat guro at pamilya sa mundo ang ClassDojo—nang libre, magpakailanman.
Noong 2019, aming inilunsad ang serbisyo ng opsyonal na bayad, ang ClassDojo Plus, upang mag-alok sa mga pamilya ng masasayang mga ekstra na pinagtitibay ang pag-aaral sa bahay. Ang kita mula sa Plus ay pinahihintulutan kaming mabayaran ang aming mga gastos sa pagpapatakbo. At tinitiyak nito na ang ClassDojo ay available nang libre sa mga guro, bata, at pamilya sa buong mundo. Heto ang ilan sa mga paraan na sinusuportahan ng libreng serbisyo ng ClassDojo ang ating komunidad:
- Nakakakuha ng mga mapagkukunan ang mga guro upang linangin ang malalapit na komunidad ng silid-aralan. Nakipartner rin kami sa mga institusyon na tulad ng Stanford at Harvard para likhain ang aming panlipunan-pang-emosyong serye sa pag-aaral, ang Malalaking Ideya (Big Ideas), na na-view na ng higit sa 11 milyong beses.
- Ang mga bata ay nakakakuha ng positibong feedback at isang masigasig na team para suportahan sila sa loob at labas ng silid-aralan. Sa kalaunan, magkakaroon rin sila ng isang ligtas, birtwal na lugar para matuto, maglaro, at lumaki kasama ng kanilang mga kaibigan.
- Nakakakuha ang mga pamilya ng isang dungawan sa mundo ng kanilang mga anak para panatilihin silang konektado sa buong araw. Nakakakuha sila ng mas marami pang oportunidad para tulungan ang kanilang mga anak na yumabong kaagapay ng mga guro.
Sampu-sampung milyon sa inyo ang nagtitiwala sa ClassDojo na maging bahagi ng iyong buhay araw-araw. Ang tiwala niyo ay nangangahulugan ng lahat sa amin. Nangangako kami na palaging magtatrabaho nang puspusan sa abot ng aming makakaya para kitain at panatilihin ito.
Aming Mga Prinsipyo
Ginagamit namin ang pera mula sa Plus para patuloy na pabutihin ang ClassDojo. Ipupuhunan namin ang pera na aming nagagawa para bumuo ng bago, mas mahuhusay na produkto at serbisyo para sa mga guro, bata, at pamilya. Isa itong walang bahid-dungis na siklo.